OSG, aapela sa desisyon ng SC sa 2024–2025 budgets
MANILA, Philippines — Nakatakdang maghain ng motion for reconsideration ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema upang hilinging repasuhin ang desisyon nitong unconstitutional ang paggamit ng unprogrammed appropriations sa 2024 at 2025 national budget.
Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, at naninindigan ang administrasyon na walang nilabag na batas o probisyon ng Konstitusyon sa paggamit ng naturang pondo.
Iginiit ni Castro na sinunod lamang ng pamahalaan ang mga prosesong nakasaad sa batas.
Sa pamamagitan ng motion for reconsideration, hihilingin ng OSG sa Korte Suprema na muling suriin ang naging desisyon nito.
Simula aniya noong 2015, pinayagan ng Kongreso ang paglalabas ng pondo kapag lumagpas sa target ang koleksyon mula sa kahit isang tinutukoy na non-tax revenue soure alinsunod sa iba pang kondisyon ng batas.
- Latest


















