^

Police Metro

Bagong laya na walang bahay nang-hostage para ulit makulong

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa walang bahay na matutuluyan matapos na makalaya sa kulungan ay nagawang mang-hostage ang isang 43-anyos na lalaki na naganap sa Mandaluyong City, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang suspek na si “Ed” na nahaharap sa  reklamong Serious Illegal Detention at Batas Pambansa Bilang 6 (Illegal Possession of Deadly Weapon).

Batay sa ulat, alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente nang pang-hohostage ng suspek sa 52-anyos na babae sa ikalawang palapag ng bahay nito sa Pantaleon St., Barangay Barangka Drive, ng nasabing lungsod.

Wala umanong kaugnayan ang suspek sa biktima at sa gitna ng negosasyon ay nanghingi ng pagkain ang suspek at nais umanong umuwi sa Bulacan.

Nagsabi pa ang suspek na kaya ginawa niyang mang-hostage ay upang muli siyang makulong dahil wala naman siyang bahay na matutuluyan. Napasuko rin ang suspek at kinumpiska sa kanya ang isang patalim.

Inaalam din kung may problema sa pag-iisip ang suspek dahil sinabi nito na murder ang kanyang kaso at sangkot sa pagpatay sa bayaning si Ninoy Aquino.

Gayunman, nakita sa rekord ng pulisya na may kaso sa ilegal na droga at hindi murder ang kinasasangkutan ng suspek.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with