20 opisyal at kawani ng DPWH-Cebu kinasuhan sa flood control projects
MANILA, Philippines — Nasa 20 opisyal at kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Cebu 3rd District Engineering Office ang sinampahan ng reklamo kaugnay sa dalawang flood control projects.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Polo Martinez na inihain sa DOJ ng NBI Cebu District Office na isasailalim sa preliminary investigation ang dalawang flood control projects na matatagpuan sa Barangay Singsing, Balamban, Cebu.
Ang unang reklamo na isinampa noong Hulyo 29, 2026, at ang ikalawa ay pareho lamang ang mga pangalan ng 20 respondents sa magkaibang proyekto.
- Latest



















