^

Police Metro

Ginang utas, 2 sugatan sa tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 56-anyos na ginang ang nasawi habang dalawang lalaki ang nasugatan nang sila ay pagbabarilin sa loob ng kanilang nakaparadang sasakyan ng riding-in-tandem sa harapan ng Land Registry Authority (LRA) sa Zone V. Quirino Blvd., Bantay, Ilocos Sur nitong Lunes.

Sa ulat ng Ilocos Sur Police, ang mga biktima ay nasa loob ng isang kulay itim na SUV na nakaparada sa tabi ng daan nang pagbabarilin ng riding- in-tandem na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo.

Ang nasabing ginang na residente ng San Vicente, Ilocos Sur ay napuruhan ng mga tama ng bala sa katawan na agad binawian ng buhay.

Sugatan naman ang dalawang lalaki, isa rito ay 41-anyos na live in partner ng biktima, residente ng Vigan City at isang 39-anyos na residente ng bayan ng Sta. Maria.

Matapos na pagbabarilin ang mga biktima ay mabilis namang nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso upang mabatid ang motibo ng krimen.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with