^

PSN Opinyon

Ahente ng P250-M missing gadgets, nagoyo ng HPG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NILANSI ng PNP Highway Patrol Group si Jerico Florida, ang “attorney-in-fact” ng Import Innovators Venture Inc., upang ayusin ang kargamentong gadgets na nagkakahalagang P250-M na kinumpiska ng mga pulis sa Quezon City. Paano? Kasi nga mga kosa, matagal ng nilalakad ni Florida na ma-relase ang kanyang shipment subalit sa hindi malamang dahilan ipinapasa-pasa s’ya ng HPG at Department of Trade and Industry. Humingi ng tulong si Florida sa Anti-Red Tape (ARTA) at inaksiyunan naman ang reklamo n’ya. Sa kuwento ni Florida, tinawagan s’ya ng isang HPG operative na si alyas Semilla noong Mayo 4 at pinapunta s’ya sa Camp Crame at maari na n’yang ma-pick-up ang 79 boxes na missing gadgets. Wow, nagkumahog si Florida dahil sa wakas maibalik din sa amo n’ya ang missing cargo dahil gumastos na s’ya ng P15-M subalit bigo pa s’ya. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Abayyyyy wala rin namang gulang itong si Florida. Ha­makin mo mga kosa, pumunta s’ya sa HPG headquarters ng hatinggabi at all along akala n’ya nasulit na ang pinag­hirapan n’ya. Nagkamali s’ya. Bakit? Bigla s’yang inaresto ng combined elements ng HPG at CIDG sa pamumuno ng isang Major Casia at sinabing may arrest warrant s’ya sa kasong syndicated illegal recruitment. Araguyyyyy! Walang bail ito. Paano ‘yan walang testigo si Florida dahil dis-oras ng gabi s’ya pumalaot sa Camp Crame. Siyempre, hinanap ni Florida ang warrant n’ya pero sinabihan s’ya na nasa telepono ito. Kinumpiska ang kanyang telepono. Anong sey n’yo mga kosa? Hindi rin s’ya binasahan ng Miranda Rights, ayon kay Florida. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dinala si Florida sa CIDG office sa Pasig City. Doon pina-print ang umano’y “warrant” at binigyan ng kopya si Florida. “Nang aking suriin ang dokumento, aking napag-alaman na ang mga pangalang nakasaad ay hindi ko kilala at ang mga address ay hindi ko pa nararating,” ayon kay Florida. Ang problema lang, kung nalansi ng HPG-CIDG si Florida, nag-counter lansi rin s’ya. Habang tulog ang mga pulis, tumakas si Florida sa pamamagitan ng bukas na bintana at tatlong palapag ang binabaan n’ya. Hahaha! Parang si Superman sa cine no mga kosa? Hinanap naman ng mga pulis si Florida hanggang sa bahay n’ya sa Quezon at pinagtatawagan pa ang mga personales na nakalista sa fone n’ya. Dipugaaaaa! Ang sakit sa bangs nito!

Sa ngayon, nagtatago si Florida habang inaayos ng abogado ang kaso n’ya. Hindi n’ya makuhang dalawin ang nanay n’yang may sakit sa takot na maisahan nang muli s’ya ng HPG-CIDG. Purbidang yawaahhhhh! Teka, teka! Bakit hindi mahagupit ni Napolcom VICEO Atty. Ralph Calinisan ang ganitong pang-aabuso ng pulis? Abangan!

GADGETS

MISSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with