^

PM Sports

Walang beach volley sa 2027 SEAG

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Out na rin ang beach volleyball event sa 2027 edisyon ng Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kaya naman hindi ma­dedepensahan ng Alas Pilipinas ang korona nito sa women’s beach volleyball event.

Isa ang beach volleyball sa mga nasibak sa ka­lendaryo ng Malaysia SEA Games matapos ang pagpupulong ng SEA Games Federation Council.

Maliban sa beach volley, tanggal din ang ro­wing, wrestling, jiu-jitsu, kickboxing, chess, surfing, canoeing, traditional boat racing at triathlon.

May 43 sports lamang ang paglalabanan sa Malaysia SEA Games kung saan nakataya ang 473 gintong medalya.

Binubuo nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Dji Rodriguez, Gen Eslapor at Sunny Villapando ang Alas Pilipinas na nakasungkit ng ginto sa Thailand SEA Games.

Malakas pa naman ang tsansa ng Alas Pilipinas lalo pa’t nakasungkit ng tanso sina Khylen Progella at Sofiah Pagara sa 2026 Asian Games na ginanap naman sa Nagoya, Japan.

Isa ang beach volley sa nakapagbigay ng ginto  para sa Team Philippines noong Thailand Games.

Sa kabuuan, may 50 gintong medalya ang Pilipinas sa 2025 SEA Games.

Sa katatapos na Asian Games, nag-ambag ang Alas ng isang tanso mula kina Progella at Pagara.

May kabuuang apat na ginto, siyam na pilak at 16 tanso ang Pilipinas sa Asian Games.

BEACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with