EDITORYAL - Dokumento at testimonya sa impeachment trial ni Sara
HABANG nagpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, dumarami ang tanong tungkol sa SALN, business interests, government contracts at financial records.
Pero hindi sapat na maraming tanong ang nHABANG nagpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, dumarami ang tanong tungkol sa SALN, business interests, government contracts at financial records.aibabato. Ang mahalaga ay kung saan hahantong ang mga ito: sa malinaw at nasusuring ebidensiya.
Sa mga naunang pagdinig, ilang testigo na malapit sa mga usaping sinusuri ang madalas umanong sumagot ng “hindi ko alam” o “wala akong alam.”
Hindi awtomatikong nangangahulugan iyon na nagsisinungaling sila. Pero hindi rin dapat doon matapos ang pagtatanong.
Kung hindi alam ng isang testigo, kailangang tukuyin kung sino ang may direktang kaalaman, sino ang lumagda, at sino ang gumawa ng desisyon.
Ganito rin ang hamon sa GenCorp. Ang Gencorp Industries ay isang food company na iniuugnay kay VP Sara na nakakuha ng milyon-milyong pisong kontrata sa Davao City. Ang kompanya ang nagsi-serve ng pagkain sa LGUs.
Sinabi ni Davao City Mayor Baste Duterte na sa impeachment trial lamang niya nalaman ang kompanya, kahit nakakuha ito ng mga kontrata sa Davao City.
Sinabi rin niyang kung alam niyang may interest dito ang kanyang kapatid, hindi niya sana pinayagan ang mga kontrata.
Ang ganitong testimonya ay nagbubukas ng tanong, pero tanong pa rin iyon hanggang maitugma sa records at iba pang ebidensiya.
Ganoon din sa kabilang direksiyon.
Hindi na ipinresenta ng prosecution si dating Sen. Antonio Trillanes IV bilang witness.
Sa halip, inilabas niya sa press conference ang mga alegasyong sana raw ay ihaharap niya sa trial.
Nilinaw naman ng impeachment court na ang senator-judges ay dapat magpasya batay lamang sa testimonya, dokumento at exhibits na pormal na naiharap sa paglilitis.
Hindi sapat ang “hindi ko alam.”
Pero hindi rin sapat ang “may ebidensiya ako” kung hindi ito dumaan sa prosesong maaaring suriin, kuwestiyunin at sagutin.
Sa impeachment, ang tanong ay simula lamang.
Ang tunay na trabaho ay tukuyin kung ano ang kayang patunayan ng dokumento at testimonya, at bigyan ang magkabilang panig ng buong pagkakataong ipakita kung ano talaga ang ibig sabihin ng mga ito.
- Latest
















