^

PSN Palaro

Gilas sasagupa sa Brazil sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas sasagupa sa Brazil sa semis
Ang acrobatic layup ni Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee kontra kay George Korsantia ng Georgia sa FIBA Olympic Qualifying.
fiba.com

MANILA, Philippines — Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Gilas Pilipinas upang maka­pa­sok sa Paris Olympics.

Ito ay matapos umusad ang Pinoy squad sa semifi­nals ng FIBA Olympic Qua­lifying Tournament sa Arena Riga sa Latvia.

Nakapasok sa semis ang Gilas Pilipinas nang angkinin nito ang No. 2 seed sa Group A tangan ang 1-1 rekord.

Lumasap ang Gilas ng 94-96 kabiguan sa kamay ng Georgia sa huling araw ng eliminasyon.

Ngunit ito ang kabigu­ang ipinagdiwang ng buong sambayanan dahil ka­ilangan ng Georgia na tam­bakan ng mahigit sa 19 puntos ang Gilas para ma­kapasok sa semis.

Hindi ito nagawa ng Georgia dahilan para awto­matikong makuha ng mga Pinoy cagers ang semis spot.

Nagawang makuha ng Georgia ang 20 puntos na kalamangan sa second quarter.

“We talked about co­ming into this game that Georgia will come with a great energy and level of des­peration,” ani GIlas Pilipinas head coach Cone.

Subalit agad na nagi­sing ang GIlas Pilipinas na nagbago ng game plan upang masawata ang Georgia.

Bida sa naturang laro sina naturalized player Justin Brownlee, CJ Perez at Dwight Ramos.

“But it was still pulling your teeth to get them ready. It was like a train coming at you, you just have to take the hit. And that’s just what we did,” ani Cone.

Muling haharap sa ma­tinding pagsubok ang Gilas Pilipinas dahil makakasagupa nito sa semis ang World No. 12 Brazil.

Umaasa si Cone na ma­dadala ng kaniyang tro­pa ang magandang laro sa semis.

“I hope that’s win over Latvia not coming through our mind. We’re a very process-driven team and we stay focused on what’s right in front of us,” ani Cone.

Sesentro ang atensyon ng Gilas Pilipinas sa pagbuo ng plano upang mapigilan ang Brazil na nakuha ang top seeding sa Group B.

“We got this step done, now we got another step to take. That’s where our focus is,” ani Cone.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with