^

Metro

PDEA nagbabala sa vape na may halong ‘Etomidate’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PDEA nagbabala sa vape na may halong ‘Etomidate’
Ayon sa PDEA, maaaring magdulot ang etomidate ng mabilis na pagkaantok o sedation, pagkawala ng malay, hindi makontrol na paggalaw ng kalamnan at mapanganib na epekto sa paghinga at cardiovascular system. Bukod sa vape products, natukoy na rin umano ang naturang substance sa anyo ng tablets, powder at crystals.
Wikimedia Commons / Lindsay Fox

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko laban sa paggamit ng mga vape product na may halong Etomidate, isang short-acting anesthetic na ginagamit sa mga ospital ngunit maaaring magdulot ng seryosong panganib kapag ginamit nang walang medical supervision.

Ayon sa PDEA, maaaring magdulot ang etomidate ng mabilis na pagkaantok o sedation, pagkawala ng malay, hindi makontrol na paggalaw ng kalamnan at mapanganib na epekto sa paghinga at cardiovascular system. Bukod sa vape products, natukoy na rin umano ang naturang substance sa anyo ng tablets, powder at crystals.

Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez na hindi dapat ituring na recreational substance ang etomidate dahil isa itong makapangyarihang gamot na maa­aring magdulot ng hindi inaasahang epekto, lalo na sa mga kabataang maaaring hindi alam ang laman ng kanilang ginagamit na vape. Ilan sa mga street name na ginagamit sa pagbebenta ng mga produktong may etomidate ay “space oil,” “zombie vapes” at “Kpods.”

Hinimok ng PDEA ang publiko na huwag gumamit o magbahagi ng kahina-hinalang vape products at agad i-report sa awtoridad ang mga ito. Patuloy din ang koordinasyon ng ahensiya sa iba pang government at law enforcement agencies upang matutukan ang pagkalat ng etomidate at iba pang emerging psychoactive substances, habang pinayuhan ang sinumang makaranas ng malubhang sintomas matapos gumamit ng hindi kilalang vape product na agad magpagamot.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with