Parak dinakma puwet ng bebot, sibak!
MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang isang pulis makaraang inireklamo ng isang babae na kanyang pinagtripang hipuan sa puwet habang bumibili ang biktima sa isang sari-sari store sa lungsod ng Caloocan kamakailan.
Base sa report ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig.Gen. Benliner Capili, ang sinibak ay kinilala sa alyas na “Jayjay” na may ranggong Police Master Sergeant.
Pinaiimbestigahan ni Capili kay Caloocan City Police Chief P/Col. Joey Goforth ang mga pulis na nakatalaga sa Bagumbong Police Sub Station kaugnay umano ng kapabayaan, pagpalpak sa pagsisiyasat o kakulangan sa pagtugon o aksiyunan ang mga reklamo ng mga biktima sa nasabing himpilan.
Base sa imbestigasyon, ang reklamo ay bunsod sa nangyaring insidente noong Setyembre 8, 2026 ng alas-8:20 ng gabi sa isang sari-sari store sa Brgy. 171, Bagumbong. Nakunan pa ng CCTV na habang bumibili ang biktima nang bigla siyan hipuan sa kanyang puwet ng bastos na parak.
Gayunman, hindi umano inaksyunan ng nasabing himpilan ang reklamo laban sa kapwa pulis kaya’t nagdesisyon ang biktima na dumulog sa isang kilalang television network at doon nagreklamo.
Isinailalim sa restrictive custody si alyas P/Master Sergeant “Jayjay” na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo kabilang ang grave miscounduct, acts of lasciviousness at paglabag sa Safe Spaces Act o ang mas kilala bilang Anti-Bastos Law.
- Latest



















