^

Probinsiya

SUV niratrat: Babae todas, 2 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
SUV niratrat: Babae todas, 2 pa sugatan
Sa report ng Ilocos Sur Police, ang mga biktima ay nasa loob ng isang kulay itim na SUV na nakaparada sa tabi ng daan nang pagbabarilin ng mga lalaking magkaangkas sa dalawang motorsiklo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang 56-anyos na ginang habang dalawang kasamang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga armadong salarin ang nakahimpil na Sports Utility Vehicle (SUV) sa harapan ng Land Registry Authority (LRA) sa Brgy. V. Bantay, Ilocos Sur nitong Lunes, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Ilocos Sur Police, ang mga biktima ay nasa loob ng isang kulay itim na SUV na nakaparada sa tabi ng daan nang pagbabarilin ng mga lalaking magkaangkas sa dalawang motorsiklo.

Ang nasabing babae na taga San Vicente, Ilocos Sur ay napuruhan ng mga tama ng bala sa katawan sanhi ng agaran nitong pagkasawi habang malubhang nasugatan ang 41-anyos na live-in partner ng biktima, residente ng Vigan City, at isang 39-anyos na taga Sta. Maria; pawang ng nasabing lalawigan.

Ayon sa mga saksi, matapos na pagbabarilin ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi malamang destinasyon.

Nire-review na ng awtoridad ang Closed Circuit Television (CCTV) footage sa naturang lugar upang matukoy at maki­lala ang mga salarin.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with