^

PSN Showbiz

Lexi, mas maligaya na single!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Lexi, mas maligaya na single!
Lexi Gonzales
STAR / File

Suportado ni Lexi Gonzales ang dating kasintahan na si Gil Cuerva sa kontrobersiyang kinasangkutan ng aktor.

Matatandaang isa si Gil sa mga aktor na sangkot sa mga kumalat at pinag-usapang video scandal ilang buwan na ang nakalilipas.

Nagbigay ng statement si Gil sa social media noon tungkol sa kontrobersyal na video. “The use of a hidden camera and the distribution of that recording are serious violations of my privacy and constitute a crime,” post ni Gil.

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens sa naging pahayag ng aktor. Agad din namang ipinagtanggol ni Lexi ang binata sa online bashers sa Threads noon. “Regardless of what happened between us, people shouldn’t be trying to ruin a person’s integrity by spreading malicious and illegal content about them. Mahiya naman kayo. You guys should have some dignity [and] respect,” komento ni Lexi sa mga masasakit na salitang ibinato ng netizens kay Gil.

Ayon kay Lexi ay pinasalamatan naman siya ni Gil nang mag-post ang aktres ng kanyang komento. “Yeah! He really thanked me. He didn’t have to but he still did. Even though siyempre ang bigat din ng pinagdadaanan niya,” pahayag sa amin ni Lexi sa Fast Talk with Boy Abunda.

Para sa aktres ay talagang nanatili ang kanilang magandang samahan ng dating nobyo. “‘Yung pinagsamahan namin, he was as great guy, and I know him as a great guy. Ayoko lang na jina-judge siya just because of one particular thing,” paglalahad ng dalaga.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naranasan ni Lexi na naging kaibigan pa rin ang isang dating nakarelasyon. “First time, I would say we’re friends. We’re okay,” pagtatapat ng Kapuso actress.

Ayaw nang pag-usapan ni Lexi ang tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Gil noong isang taon. “I don’t want to talk about it anymore. For his peace also. I’m happy being single. I’m okay being single. I’m enjoying life on a different perspective now,” giit niya.

Mayroong mga natutunan ang Kapuso actress mula sa naging relasyon nila ni Gil. “When you love somebody, don’t make one person your world because there’s so much out there. Kasi kapag nando’n ka na, (sa relasyon) ang atensyon mo nasa kanya na,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Samantala, pitong taon nang aktibo si Lexi sa show business ngayon. May isang bagay daw na natutunan ang dalaga upang magtagal sa industriya na kanyang ginagalawan. “Maging mabuit sa kapwa. Kasi that’s how you’re going to last. As actors we work for the people. And kapag mabuti kami sa kapwa namin, tatagal kami. Talent is good but it’s not enough,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

LEXI GONZALES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with