^

Probinsiya

Sundalong Kano patay sa lunod sa Ilocos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Trahedya sa PH-US military exercise

MANILA, Philippines — Nabahiran ng trahedya ang isinasagawang joint military training, matapos na aksidenteng malunod ang isang miyembro ng United States (US) Marines nang maligo sa karagatan sa kasagsagan ng malalakas na alon sa Brgy. Baruyen, Bangui, Ilocos Norte kamakalawa. 

Sa report ng Ilocos Norte Police, kinilala ang biktima na si US Marine Corporal Edmond Zhu, 20 taong gulang.

Si Zhu at iba pang US Marine ay pansamantalang nasa Laoag City, Ilocos Norte kaugnay ng isinasagawang joint military exercises sa counterpart ng mga ito sa Philippine Marines.

Ayon sa imbestigas­yon, habang naka-break ay nagkatuwaang maligo sa dagat sina Zhu at isa nitong kasamahan si Corporal Isaac Torres na naglangoy sa dagat.

Hindi umano inabisuhan nina Zhu ang kaniyang counterpart sa Phi­lippine Marines ma­ging ang kanilang mga US Marine officer sa paliligo ng mga ito sa nasabing karagatan matapos naman ang mga itong mahalina sa ganda ng dagat. 

Gayunman, habang naglalangoy ang mga ito ay tinangay ng malalakas na alon si Zhu kung saan ay agad namang humingi ng tulong si Torres nang makitang nagkakawag na ang kasamahang US Marine.

Nagawang maiahon sa dagat ang nasabing US Marine matapos na sumaklolo ang counterpart na Philippine Marines pero bagama’t nagawa pa siyang maisugod sa pagamutan ay idineklara na itong dead on ­arrival. 

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with