^

Metro

7 Chinese buking sa ‘secret POGO hub’, kasambahay na biktima ng human trafficking, nasagip

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
7 Chinese buking sa ‘secret POGO hub’, kasambahay na biktima ng human trafficking, nasagip
Sa isinagawang pulong balitaan nitong Martes iprinisinta ni NBI Director Jaime Santiago ang biktimang si alyas Letlet na nagsiwalat ng kanyang karanasan sa kamay ng kanyang mga Chinese employer.
National Bureau of Investigation/Facebook page

MANILA, Philippines — Arestado ang pitong Chinese national na nagsasagawa ng scamming operation sa kanilang ‘secret POGO hub’ na nagresulta rin ng pagkakadakip ng kasambahay na biktima ng  human trafficking sa Parañaque City.

Sa isinagawang pulong balitaan nitong Martes iprinisinta ni NBI Director Jaime Santiago ang biktimang si alyas Letlet na nagsiwalat ng kanyang karanasan sa kamay ng kanyang mga Chinese employer.

Ayon kay “Letlet” sapilitan siyang ginawang kasambahay at ikinukulong sa isang gusali ng mga suspek  na hindi rin nagpapasahod ng tama.Nasa P7,000 lamang ang kanyang natatanggap sa halip na P18,000.00 suweldo kada buwan.

Nabatid na Disyembre 11, 2024 nang magpasaklolo sa NBI-Cybercrime Division (CCD) ang isang driver na kaibigan ng biktima hinggil sa pagdetine ng mga suspek sa kasambahay sa No. 16B John Paul St., Multinational Village, Moonwalk, Parañaque City.

Nadatnan naman sa operasyon ang isang silid sa ika-3 palapag ng gusali ang mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga naka-set-up na desktop compu­ters, mobile phones, sim cards, written scripts at customers ledgers, na nagpapatibay sa hinalang may organized deceit sa operasyon.

Paliwanag ni Santiago na kahit sa plain view o tingin pa lang sa mga desktops na ginagamit ng mga suspek sa oras ng operasyon ay nakita ang mga fictitious accounts, bank accounts at fraudulent cryptocurrency investment platforms.

Sinasabing ang operasyon ay scamming activities partikular sa catfishing scams, credit cards scams, cryptocurrency scams at fake investment scams.

Dahil sa ang krimen ay nasaksihan ng mga operatiba ng NBI, inaresto in flagrante delicto ang mga suspek sa paglabag sa Section 1, 4 (a) ng Republic Act 11862 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022); Computer-related Forgery Section 4(b) (1) ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012); Social Engineering Schemes Section 4 (b) (1) ng RA 12010 (Anti Financial Account Scamming Act (in relation to 10175; at RA 10381 (Batas kasambahay o Domestic Workers Act).

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with