KC, tinapos na ang problema kay Sharon!
Mukhang nagkaayos na ang mag-inang KC Concepcion at Sharon Cuneta base sa post ni KC.
Nag-post ito ng kanyang photo kasama ang fur babies niya bilang pagbati sa lahat ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.
Lagi raw tungkol ang Pasko niya sa love, laughter, at time kasama ang pamilya niya.
Sa caption niya sa kanyang photo ay sinabi ng anak nina Megastar at Gabby Concepcion na maayos na niyang tinapos ang taon sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mama niya.
Si Shawie raw ang mas nagpapa-extra magical at special sa holidays niya.
Sa Christmas season ngayong taon, susulitin daw niya ang oras niya sa pagdarasal, reflect, recharge, reset at umaasa sa mga blessing na alam niyang meron ang Panginoon para sa kanya at sa pamilya niya.
Alam daw kasi niyang nariyan ang Panginoon para sa kanila at magiging ok ang lahat lalo na sa kanila ng mama Sharon niya.
Tinapos naman niya ang kanyang Christmas post sa pagsabing nagpapasalamat siya sa pagmamahal at saya na meron siya araw-araw.
Maaalala ngang naging vocal si Sharon sa pagsasabi na malaki ang tampo niya sa panganay niyang anak.
Pero isa naman sa napansin ng marami sa post ni KC ay ang sexy raw nito. Ang laki na nga ng ipinayat niya na talagang pinaghirapan niya base sa mga post niya.
Syempre hindi naman nawala ang mga nega na sinabing masyado raw daring ang suot nito para sa Christmas post niya.
Masyado raw itong nagpakita ng maraming balat. Sana man lang daw mas disente ang suot niya. Habang ang mga tagahanga naman nito ay dinepensahan ang idolo nila na wala naman daw masama sa suot nito. Paladesisyon lang daw ang basher.
‘Kaloka sila noh. Basta, KC, ang importante ay ang sarili at nararamdaman mo.
- Latest