Cone nabigla sa pagpanaw ni Simon

MANILA, Philippines — Nagluluksa ang basketball community sa biglaang pagpanaw ni PBA legend Peter June Simon.
Ilan sa mga malalapit na kaibigang players at coaches ang nagbigay ng tribute para kay Simon.
Isa na rito si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na nagulantang nang malaman ang hindi magandang balita.
“Oh PJ, you left us way too soon. Showed us that you can come from anywhere and become a star with hard work and perseverance,” ani Cone sa kaniyang post sa social media.
Hinawakan na ni Cone si Simon noong naglalaro pa ito para sa B-Meg/San Mig Coffee na ngayon ay kilala na sa tawag na Magnolia Hotshots.
Dahil head coach si Cone ng naturang team sa loob ng limang taon.
Sinariwa ni Cone ang magagandang alaala ni Simon noong nasa team pa ito.
“What a humble man he was. What a great teammate. We will miss you on and off the court. So sad. Devastating,” ani Cone.
Nakasama ni Simon sina James Yap at Marc Pingris.
Nagbigay din ng tribute ang Magnolia Chicken Timplados gayundin sina Yap at Pingris.
- Latest

















