^

PSN Showbiz

Willie, araw-araw na kumakampanya sa kanyang programa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Willie, araw-araw na kumakampanya sa kanyang programa
Willie Revillame.
STAR/ File

Ngayon pa lang ay nakatutok na ang ibang netizens sa ilang personalidad na nag-file ng candidacy para sa 2025 elections.

Ilang beses kong nasisilip si Willie Revillame sa kanyang Wil to Win, at hindi niya pinapalagpas ang maagang pangangampanya. Parang inilalatag na niya ang plataporma niya kapag nakapasok siya sa Senado.

Ang dami na niyang ipinapangako, pero medyo na-off ang ilan dahil obviously nagagamit na niya ang show para sa maagang pangangampanya.

Kunsabagay, alangan namang sa ibang show pa niya gagawin, e isa naman siya sa producers. Pero may nagtatanong sa amin, kung okay lang daw ba ito sa TV5.

Marami rin ang nakapansin sa appearance ng dating DILG Secretary Benhur Abalos sa ilang shows ng GMA 7.

Umapir siya sa Black Rider ni Ruru Madrid, naglaro sa Family Feud at ngayon naman ay may role siya, at talagang umaarte sa Lilet Matias: Attorney-At-Law.

May naririnig kaming kuwento tungkol sa deal nito sa GMA 7, pero pawang haka-haka lamang ‘yun at hindi pa nakumpirma sa amin. Kaya hindi puwedeng isulat kung magkano ang involved dito.

At may edge talaga kapag madalas kang napapanood sa telebisyon o very visible ka sa social media.

Pero ang sabi naman ng ilang sources namin, may disadvantage din ang celebrity politicians dahil ang daling makita ang konting pagkakamali at napapalaki na ito sa social media. Kaya mas maganda ring pinagplanuhan at maayos ang exposures bago ang kampanya.

Gary, plano na ring maging producer

Balak palang magpaka-active muli ni Gary Estrada sa movie production at gusto niyang makipag-collaboration sa mga malalaking movie producers.

“Siguro pinag-aaralan namin ‘yung co-production, at the same time kahit papano kasi may konti kaming gamit na naipon dahil parang ako katulad nina tito Joseph at ang Daddy ko e, mahilig bumili ng mga gamit, like cameras, ilaw, medyo okay okay na tayo dun e. Pero siyempre kailangan pa magdagdag ng mga ilaw at additional lente na alam mo ‘yun, ‘yung pang-film talaga. So, medyo may investment ako na ganun. So, hopefully maumpisahan na natin ‘yung film production,” saad ni Gary Estrada nang makatsikahan namin sa programa naming Troika Talk.

Ang gusto sana niyang gawin ay ang reunion movie nila ni Donita Rose.

Nabanggit ito ni Noel Ferrer kay Donita nang magkita sila sa Amerika, at interesado naman ang aktres.

Pati nga ang asawa ni Donita na si Felson Palad ay parang interesado ring mag-special participation sa movie project na ito. “Of course naman!” kaagad na sagot ni Gary nang tanungin namin ito sa kanya.

“Hopefully sana, maganda ang pagtanggap ‘di ba? Gagawin naming maganda ‘yung film namin kasi it’s been almost 20 plus years, 25 ganun? Nakakatuwa na makasama siya sa isang project,” dagdag niyang pahayag.

May naisip na siyang magandang project na pagsasamahan nila uli ni Donita Rose. “I wanted to go back to acting. After a while medyo naudlot ‘yung pag-arte ko dahil unang-una nagkaroon ng pamilya, pangalawa pumapasok sa pulitika. Before that ‘yung sports ko pa. So, medyo mara­ming ginawa bago ulit e, ‘pag makaisip tayo. Kasi it’s a challenge for me now, dahil imadyinin n’yo ‘yung anak ko si Kiko (Estrada), medyo maayus-ayos na ‘yun bilang artista.

“Tapos ‘yung pamangkin ko si Rob (Gomez) medyo maayus-ayos na rin ang estado. I wanted to you know, kahit papano siyempre alam mo ‘yun, gusto kong balikan ‘yung industriya na naging maayos sa akin.

“At the same time, gusto kong makatrabaho ‘yung pamilya ko, ‘yung anak ko, ‘yung pamangkin ko. And eventually, hopefully, sana ‘yung mga anak kong babae pagdating ng panahon, ‘di ba?” sabi pa ng aktor.

WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with