Nawawalang singsing
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Bobby. Sumulat po ako dahil nababagabag ang aking kalooban nitong nakaraang araw, dahil nawala ng aking misis ang kanyang wedding ring.
Sobrang lungkot at guilt na guilt po siya ngayon—paulit-ulit siyang nagso-sorry habang umiiyak.
Nanghihinayang din po ako dahil sa halaga at sentimental value nito. Pero mas masakit para sa akin na makitang sinisisi niya ang kanyang sarili.
Gusto ko pong iparamdam sa kanya na mas mahalaga siya kaysa sa anumang materyal na bagay, kaya lang ay hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaunting panghihinayang.
Dr. Love, ano po ba ang magandang sabihin sa misis ko para mabawasan ang kanyang pag-aalala? Nararapat po bang bumili agad kami ng kapalit, o palipasin muna namin ang panahon?
Bobby
Dear Bobby,
Natural lang na manghinayang ka, pero hanga ako dahil mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal mo sa iyong misis.
Ang payo ko, ipaalala mo sa iyong misis na mas ma-halaga siya.
Ang singsing ay simbolo lamang, pero ang misis mo ang mismong pag-ibig. Yakapin mo siya at sabihing, “Nawala man ang singsing, hindi kalian man mawawala ang pagmamahal ko sa ‘yo.”
Aksidente ang nangyari. Walang gustong mawalan ng mahalagang bagay. Unawain mong sapat na parusa sa kanya ang lungkot na nararamdaman niya ngayon, kaya huwag ninyo itong pagmulan ng sumbatan.
Sa pagbili ng kapalit, huwag munang magmadali habang sariwa pa ang pangyayari.
Mas maganda kung pag-iipunan ninyo ito at ibigay sa inyong darating na wedding anniversary bilang panibagong alaala.
Gawin mong pagkakataon ito para maiparamdam sa kanya na mas matatag ang inyong pagsasama kaysa sa anumang materyal na bagay.
Tandaan mo na mas makakapagbigay ng kapanatagan sa kanya na marinig mismo sa’yo ang seguridad na hindi mababago nang nawalang singsing ang pagsasama ninyo.
Higit na mahalaga rin na maramdaman niya ang sinseridad ng iyong mga salita, kaya pinakaminam na samahan mo ito ng mahigpit na yakap.
Kasama mo ako sa panalangin ma-tamo ng iyong misis ang kapanatagan sa kabila ng lahat.
Walang imposible sa tamtaim na pa-nalangin at may ma-lakas na pananalig sa Diyos na source ng tapat at tunay na pagmamahal. Naniniwala akong malalampasan n’yo yan.
DR. LOVE
- Latest


















