^

PSN Palaro

Happy New Year!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Many years from now, masarap natin babalikan ang Year 2024.

Maraming nangyari sa larangan ng sports. Pero walang tatalo sa double-gold ni Caloy Yulo sa Paris Olympics. Nasamahan pa ng bronze medals ni Nesthy Petecio at Aira Villegas ng boxing.

Sa totoo lang, never ko na-imagine na kaya manalo ng isang Pinoy athlete ng dalawang gold medals sa isang Olympics.

Dehins naman first dahil nanalo na si Hidilyn Diaz ng isa sa Tokyo nung 2021. Pero bago ‘yun, 100 years tayo naghintay.

Ngayon, meron na tayong tatlong Olympic golds. At malamang, it’s not the last dahil may chance pa si Yulo na manalo ulit sa Los Angeles sa 2028.

Or ang iba pa nating athletes.

Kaya cheers sa mga athletes at coaches pati na mga sports officials sa pangunguna ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino.

Yes, mga atleta ang lumalaban at nananalo ng medalya. Pero kumbaga sa orkestra, meron nagkukumpas.

Si Mayor Bambol ng Tagaytay ang may hawak ng baton. At kung salto ang maestro, mawawala lahat sa tono. Masakit sa tenga.

Nanalo si yorme sa POC elections last month kaya four more years pa siya as POC president.

Wala lang kokontra, for more happy years.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with