^

PM Sports

Archers tinakasan ang FEU

Nilda Moreno - Pang-masa
Archers tinakasan ang FEU
Kevin Quiambao

MANILA, Philippines — Nakatayo agad ang defending champion De La Salle University mula sa pagkakadapa matapos katayin ang Far Eastern University,  68-62 kahapon sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum.

Hindi naging madali para sa Taft-based squad na makuha ang panalo dahil naging mabangis sa buong laban ang Tamaraws.

Hinawakan ng Green Archers ang 10-point lead sa unang dalawang quarters, 38-28 pero sumuwag ang Tamaraws ng 22-13 bentahe sa third upang tapyasin sa isang puntos ang hinahabol, 51-50 papasok ng payoff period.

Pero lumabas ang pagiging dugong kampeon ng La Salle sa fourth canto sa pangunguna nina reigning MVP Kevin Quiambao at Mike Phillips upang manatili ang kalamangan at makuha ang importanteng panalo.

Nagtala si Quiambao ng 12 points, 11 rebounds at walong assists habang nag-ambag si Phillips ng double-double na 13 mar­kers at 14 boards.

Nasa pangalawang puwesto ng team standings ang Green Archers tangan ang 4-1 record habang solo sa tuktok ang University of the Philippines Fighting Maroons na malinis ang baraha sa apat na laro.

Naka-recover ang Green Archers sa kanilang pagkatalo sa University of the East Red Warriors, 71-75 noong Linggo.

Nalasap naman ng Tama­raws ang pang-limang sunod na talo kaya nasa ilalim ng team standings ang mga tropa ni FEU head coach Sean Chambers.

Sisimulan muli ng La Salle ang winning streak pagharap nila sa University of Santo Tomas Growling Tigres sa Linggo ng alas-4:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa alas-6:30 ng gabi naman ang laro ng FEU at Ateneo de Manila University.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with