^

PSN Palaro

Blackwater basag sa Magnolia

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Magnolia sa ikaapat na sunod na panalo matapos basagin ang Blackwater, 107-101, sa Season 50 PBA Go­vernors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Itinaas ng Hotshots ang kanilang baraha sa 5-3 sa Group B para palakasin ang tsansang makapasok sa eight-team quarterfinal round.

Humakot si import KJ Buffen ng 24 points at 20 rebounds, habang kumamada si point guard Jerom Lastimosa ng 24 markers.

“During the break, hindi namin kailangan isipin na ang break na ito is just like the offseason,” ani coach LA Tenorio sa matagal na PBA break dahil sa kampanya ng Gilas Pilipinas.

Nadiskaril ang hangad na back-to-back wins ng Bossing at nahulog sa 3-4 marka.

Kinuha ng Blackwater ang 25-23 abante sa first period bago inagaw ng Magnolia ang 53-50 halftime lead.

Sa likod nina Buffen, Lucero at Mark Barroca ay nakalayo ang Hotshots sa 66-57 sa 7:54 minuto ng third quarter patungo sa 74-63 kalamangan sa 4:48 minuto nito.

Isang 7-0 atake ang ginawa ng Bossing sa pa­ngunguna ni import Kentrell Barkley para makalapit sa 70-74.

Ngunit isang 10-2 bomba ang inihulog ng Magnolia para iposte ang isang 12-point lead, 84-72, papasok sa final canto.

Huling nakahabol ang Blackwater sa 101-105 sa huling 39.1 segundo mula sa dalawang free throws ni Fil-Am guard Sedrick Barefield.

Ang dalawang foul shots ni Lastimosa sa hu­ling  3.6 segundo ang sumelyo sa pagbawi ng Hotshots sa Bossing na nanalo sa una nilang paghaharap, 89-81.

KJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with