^

Bansa

DOH memo sa senior citizen’s medicine booklet hirit ni Ordanes

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Labis na ikinalugod ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang hakbang ng Department of Health (DOH) kaugnay sa purchase discount booklet sa pagbili ng mga gamot ng senior citizen.

Sinabi ni Ordanes na matagal na niyang ipinanawagan sa DOH na maglabas ng kautusan para hindi na hanapin pa sa botika ang purchase discount booklet tuwing bibili ang senior citizens ng kanilang mga gamot.

Sa katunayan aniya, inaprubahan ni House Speaker Martin Romualdez ang House Resolution No. 253 noon nakaraang Setyembre 25.

Ito, dagdag pa ni Ordanes, ay mula sa House Resolution No. 2031 na nagmula naman sa inihain niyang HR No. 1263 at sa HR No. 1252 ni Baguio City Rep. Mark Go.

Naaprubahan ang HR No. 2031 ng House Senior Citizens Commitee, na pinamumunuan ni Ordanes, noon lamang din nakaraang Setyembre.

“Magandang pa­masko ang bagong kautusan ng DOH. Nakita ng DOH ang lohika ng ating ipinaglaban. Ngayon, reseta ang senior citizen’s ID na lang ang kailangang ipakita sa mga botika sa pagbili ng gamot at medical device,” sabi pa ni Ordanes.

Kasabay nito, pinasalamatan ng mambabatas si Health Sec. Ted Herbosa sa pagpapalabas ng Admi­nistrative Order No. 2024 - 0017.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with