Leviste, Paras pinahaharap ng NBI

Sa ‘frame up’ kay Recto
MANILA, Philippines — Pinadalhan na ng subpoena kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at dating congressman Jacinto “Jing” Paras para magbigay-linaw sa iniimbestigahang planong paninira o “honeytrap scheme” kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ang pagpapatawag kina Leviste at Paras ay hindi nangangahulugan na may ginawang mali ang dalawa, kundi bibigyan ng due process.
“I have to remind the public that former Congressman Jing Paras and Congressman Leandro Leviste were mentioned by the persons we arrested. As of now, they are not yet considered to have committed any wrongdoing. They are entitled to due process,” ani Matibag.
Inaalam ng NBI kung may iba pang opisyal ng gobyerno na maaaring target din sa honeytrap scheme.
Nag-ugat ito sa pagkaka-aresto ng isang talent manager sa entrapment operation sa isang 5-star hotel sa Maynila na nagbunyag sa planong i-frame up si Recto, sa modus na dalhan ng mga babae upang palabasin na kliyente, at sapilitang pinagamit ang mga babae ng iligal na droga.
Kung hindi naman lulutang sina Leviste at Paras, tututok ang NBI sa mga ebidensyang makakalap nila.
Sa Huwebes ang itinakda ng NBI na pagtungo nina Leviste at Paras sa NBI.
“Anyway, there’s already the admission and confession of the subjects. That’s why they’re being subpoenaed to clarify what their participation really is,” paliwanag pa niya.
- Latest




















