^

PSN Palaro

St. Benilde ‘di bibitaw sa liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pananatili sa itaas ng team standings ang hangad ng College of St. Benilde sa pagharap sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Lalabanan ng Blazers ang Stags ngayong alas-11 ng umaga kasunod ang banggaan ng Letran Knights at nagdedepensang San Beda Red Lions sa alas-2:30 ng hapon.

Hawak ng St. Benilde ang solong liderato bitbit ang 5-1 record kasunod ang Letran (5-2), Mapua (5-2), Perpetual (4-3), San Beda (3-3), Lyceum (3-4), Emilio Aguinaldo College (3-4), Jose Rizal (2-5), San Sebastian (2-5), Arellano (2-5).

Kaagad nakabangon ang Blazers mula sa unang kabiguan matapos talunin ang Pirates, 103-78, na tumapos sa three-game winning streak ng Lyceum.

Bagsak naman ang Stags sa pang-limang sunod na kamalasan mula sa 72-91 pagyukod sa Cardinals sa huli nilang laro.

Muling aasahan ng St. Benilde sina Allen Liwag, Justine Sanchez, John Mowell Morales, Winston Ynot at Mark Sangco katapat sina Paeng Arce, TJ Felebrico, Nico Aguilar at Harold Ricio ng Baste.

Sa ikalawang laro, puntirya ng Knights ang ikatlong dikit na ratsada sa pagsagupa sa Red Lions.

Umiskor ang Letran ng 82-73 triple overtime win sa Perpetual, habang nagmula ang San Beda sa 70-72 kabiguan sa Arellano.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with