^

Police Metro

Duterte, hirap sumabak sa ICC trial dahil sa memorya - abogado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling idiniin ng defense team ni ­dating ­Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang umano’y “cognitive impairment” at problema sa memorya bago ang nakatakdang pagsisimula ng kanyang paglilitis sa International Criminal Court (ICC) sa Nobyembre 30, 2026.

Muling inilabas ng depensa ang isyu ng “cognitive impairment” ni Duterte bago ang paglilitis.

Sa mga naunang pagsusumite, sinabi ng abogado niyang si Peter Haynes na may “signi­ficant memory impairment” ang dating pangulo na pumipigil sa pagpa­panatili ng bagong impormasyon at pagbibigay ng malinaw na tagubilin sa kanyang mga abogado—minsan pa nga ay hindi umano nito natatandaan ang pangalan ng kanyang lead counsel.

Binanggit din sa mga ulat na nahihirapan siyang makaalala ng mga pangyayari, lugar, at mga kaanak.

Tinutulan ng ICC prosecution at ng Common Legal Representatives of the Victims (CLRV) ang mga pahayag na ito at iginiit nila na walang nakitang ebidensya nang paglala ng cognitive decline mula sa pre-trial assessments ang panel ng mga eksperto at iniugnay ang mababang resulta ng pagsusulit sa test underperformance.

Naninindigan ang prosekusyon na kaya pa ring gamitin ni Duterte ang kanyang mga karapatan sa patas na paglilitis at fit siya para sa paglilitis

 

 

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with