^

PM Sports

UE binugbog ng Ateneo

Elech Dawa - Pang-masa
UE binugbog ng Ateneo
Nakalusot si Kie­fer Alas ng Ateneo sa UE defenders sa aksyong ito.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Ipinaramdam agad ng Ateneo de Manila University ang kanilang lakas matapos nilang tambakan ang University of the East, 101-74, sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.

Bumida sa opensa si rookie Kiefer Alas matapos magtala ng 24 points para tulungan ang Blue Eagles na ilista ang 1-0 karta habang nakalasap agad ng kabiguan ang Red Warriors sa una nilang salang.

Naglaro ang Ateneo na may dalang dangal upang gunitain ang teammates nilang sina Divine Adili at Rene Baterbonia at pag­hu­hugutan ng lakas sa buong season.

Sina Adili at Baterbonia ay namatay nang malunod sila sa dagat sa isinagawang team-building ng Ateneo sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Sa simula pa lang ng laro ay nakitaan na agad ng determination ang Blue Eagles mabilis nilang hinarurot ang Red Warriors upang makalayo agad sa halftime, 56-39.

Hindi na pinadikit ng Blue Eagles ang Red Warriors at nagtuluy-tuloy sila sa pagdomina ng laro

Samantala, bumangon agad mula sa pagkakadapa ang University of Sto. Tomas matapos nilang lapain ang defending champion De La Salle University, 80-75 para ilista ang 1-1 karta.

Nalasap ng Growling Tigers ang unang kabiguan ng lumuhod sila sa last year’s runner up University of the Philippines, 85-92 sa opening day ng liga.

Napahirapan ang UST bago makuha ang panalo, nakalamang ng siyam sa kalagitnaan ng payoff p­eriod pero naibaba ng La Salle sa isa may 1:27 minuto na lang sa orasan.

Subalit naging matatag ang España-based squad para hawakan muli ang tatlong puntos na bentahe, 78-75 may siyam na segundo na lang sa laro.

Tulad ng Growling Tigers, 1-1 din ang baraha ng Green Archers.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with