TRO sa P85 umento kinondena
MANILA, Philippines — Mariing kinondena ng ilang mambabatas ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) sa napakaliit na nga umanong P85 dagdag sahod sa Metro Manila dulot ng petisyong inihain ng dalawang construction companies.
Ayon kay Kamanggagawa Partylist Rep. Elijah “Eli” San Fernando na naghihinala umano siyang may basbas ng palasyo ng Malacañang at iba pang mataas na opisyal ng pamahalaan ang pagdulog ng dalawang construction companies kung kaya nag-isyu si Pasig City RTC Branch 152 Executive Judge Achilles Bulauitan ng 20 araw na TRO para ipatupad ang P85 umento sa suweldo na dapat sanay ipinatupad na noong Hulyo 31.
“Ang hinala namin, may matinding pressure mula sa taas. Big business groups and executive officials, including the economic managers, have been vocal in opposing wage hikes. A trial judge, no matter how bold, nor petitioners like RII Builders and Readycon Trading, would not easily file such a flagrant violation of the law without assurances or backing from the higher-ups, including Malacañang”, ani Fernando sa isang television interview.
Nakakalungkot lamang aniya na tila agad na nag-concede si Labor Secretary Francis Tolentino at sunud sunuran sa korte ng hindi ipinaglalaban ang karapatan ng DOLE.
- Latest



















