VP Duterte trial maaaring lumampas sa Christmas break – solon
MANILA, Philippines – Posible umanong lumampas pa sa Christmas break ang paglilitis at pagbaba ng hatol laban kay Vice President Sara Duterte sa kaso ng paglobo ng kayamanan nito na aabot sa P817.87 milyon sa Senate impeachment court.
Ayon kay prosecutor at Akbayan Partylist Rep.Chel Diokno bagaman puntirya ng prosecution panel na matapos na ang paglilitis bago ang Christmas break ay nananatili aniyang walang katiyakan ang pagtatapos nito at maging ang boto ng mga senator-judges sa kabila ng kanilang kumpiyansa sa mga matitibay na ebidensyang naisumite.
Tumanggi si Diokno, na mangako sa isang deadline bago mag-Pasko at binigyang-diin na dapat tapusin ng korte ang paglilitis nang may paggalang sa tamang proseso.
Ang pahayag ni Diokno ay tumugma sa sinabi ni Atty. Paolo Panelo, Spokesman ni VP Sara na hanggang Disyembre ang paglilitis dahilan sa pagpiprisinta ng nalalabi pang 6-8 testigo ay naglaan ang defense team ng 3 linggo.
Inihayag ni Diokno na handa ang prosecution team na harapin at isalang sa cross examination ang mga nalalabi pang testigo.
- Latest















