^

Bansa

Ombudsman: Flood control case vs Romualdez, kaya ng 1 taon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ombudsman: Flood control case vs Romualdez, kaya ng 1 taon
Ombudsman Jesus Crispin Remulla

MANILA, Philippines — Posibleng matapos sa loob ng isang taon ang kasong plunder na isinampa laban kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y flood control scam.

Ito ang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla matapos sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga akusado sa kaso, si Samchan Foreign Exchange Corp. President Felicito Guevarra.

Nauna nang hiniling ng prosekusyon ang pagkansela ng pasaporte ni Guevarra. Ayon kay Remulla, nagsauli rin ito ng humigit-kumulang P324 milyon sa gobyerno, na sinasabing kinita mula sa mga komisyon sa mga transaksyon.

“Money changer ‘yun, ‘yun ang komisyon niya sa transaction. Testifying siya ngayon,” ani Remulla.

Sinabi rin niya na nilagdaan na niya ang immunity agreement ni Guevarra kaya magsisilbi na itong state witness ng Ombudsman laban sa mga akusado.

Ayon kay Remulla, handa na ang kanilang mga ebidensiya kaya maaari nang simulan agad ang presentasyon ng mga testigo sa halip na magpatagal sa mga pagdinig.

Iginiit din niya na determinado silang maiwasan ang anumang delaying tactics upang mapabilis ang pag-usad ng kaso.

“Within a one-year period, puwede naming tapusin ang kaso. Dati umaabot ng 15 taon ang mga ganitong kaso, pero ngayon handa na kami bago pa man ito maisampa,” dagdag niya.

Nahaharap sina Romualdez at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa kasong plunder na nagkakahalaga ng P7.44 bilyon kaugnay ng umano’y diversion ng pondo para sa mga flood control project. Kapwa itinanggi ng dalawa ang mga paratang laban sa kanila.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with