^

PM Sports

Mojdeh tututok naman sa SEA Age Group

Chris Co - Pang-masa
Mojdeh tututok naman sa SEA Age Group
Behrouz Mohammad Mojdeh

MANILA, Philippines — Muling lalarga si Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh sa tatlong magkakasunod na torneo kabilang na ang 2026 SEA Age Group Championships sa Malaysia.

Sariwa pa si Mojdeh sa kampanya sa katatapos lamang na NCAA Season 102.

Kaya naman magpapahinga lang ito ng ilang araw bago muling bumalik sa ensayo para sa mga susunod na tornong lalahukan nito.

“For now, I’ll recover, get myself ready, and take on the next three competitions one race at a time. Ny priority is recovery because I still have three major competitions coming up,” ani Mojdeh.

Unang sasalang si Mojdeh sa 2026 SEA Age Group Championships sa Selangor, Malaysia kung saan bahagi ito ng national junior team na ipadadala ng Philippine Aquatics Inc.

Lalarga ang SEA Age Group sa Nobyembre 27 hanggang 29 sa Akuatik Selangor sa Shah Alam, Selangor.

Ito ang unang pagkakataon na masisilayan sa aksiyon si Mojdeh sa naturang international competition na lalahukan ng mga matitikas na tankers mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

Matapos ang SEA Age Group, sasabak naman si Mojdeh sa NCR Regional Athletic Meet na magsisilbing qualifying para sa 2027 Palarong Pambansa na idaraos sa Quezon City.

Gaganapin ang NCR meet sa Disyembre 1 hanggang 4 sa Muntinlupa Aquatic Center.

Hindi pa dito natatapos ang lahat dahil sasalang na­man si Mojdeh sa Batang Pinoy mula Disyembre 12 hanggang 18 sa Bacolod City.

BEHROUZ MOHAMMAD MOJDEH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with