VP Sara at mister, pinatetestigo sa ‘unexplained wealth’
MANILA, Philippines — Pinapaharap ni lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro si Vice President Sara Duterte at mister nitong si Atty. Manases Carpio sa Senate impeachment court at ipaliwanag ang kanilang assets at iba pang pinansiyal na rekord.
Ito’y matapos pumalpak ang testimonya ni Engineer Jaime Adalin, City Assessor sa lungsod ng Davao sa pagharap nito sa impeachment court ay hindi masabi kung ang lupang tinutukoy nito sa Brgy.Matina Crossing 174-A, Davao City ay siyang idineklara ni VP Sara sa kaniyang SALN.
Sa SALN ni VP Sara ay nasa P10-M ang halaga ng nasabing lote sa Brgy. Matina Crossing 174-A sa lungsod pero sa rekord ng City Assessor ang nasabing ari-arian na binili ni VP Sara at mister nitong si Carpio sa halagang P6 milyon sa Hulyo 2024 na naging isa ng gusaling pang-komersyo. Habang si Carpio ay nakabili naman ng lote sa halagang P3.4 milyon sa Marso 2018 sa Island Garden City of Samal.
Ayon kay Luistro tanging ang mag-asawa lamang ang makapagbibigay ng malinaw na paliwanag sa kanilang mga assets at pinansyal na rekord.
Ginawa ni Luistro ang pahayag matapos namang makita sa listahan ng defense team na wala dito ang pangalan nina VP Duterte at Carpio para tumestigo sa impeachment court.
- Latest



















