^

PM Sports

Kamalasan tinapos ng FEU Tamaraws

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinapos ng Far Eastern University ang dumapong kamalasan sa kanila matapos gapiin ang Adamson University, 73-66, sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Co­liseum.

Sinuwag ng Tamaraws ang 5-4 karta at sumiksik sa three-way tie sa No. 3 kasama ang Ateneo Blue Eagles at defending champions La Salle Green Archers.

Tumikada si Lawrence “Cabs” Cabonilas ng 11 points at anim na rebounds para sa FEU na tinuldukan ang three-game losing slump.

Matapos ang 11-11 pagkakatabla sa first quarter ay kumawala ang Ta­maraws sa second period para hawakan ang 11-point halftime lead, 33-22, sa Soaring Falcons.

Tuluyan nang nakalayo ang FEU sa third canto, 58-44, papasok ng payoff pe­riod.

Naibaba ng Adamson ang hinahabol sa 60-65.

Nagbaon si Pasaol ng pandiin na tres para sa 60-68 ben­tahe ng Tamaraws sa huling 1:51 minuto.

Laglag ang Soaring Fal­cons sa pang-limang talo sa siyam na laro.

Sa unang laro, nagtuwang sina Jared Bahay at Kieffer Alas sa dulo ng final canto para akayin ang Ateneo sa 69-65 panalo laban sa National University.

Winalis ng Blue Eagles ang Bulldogs sa elimination round matapos ang 87-76 panalo sa first round.

Nagsalpak si Bahay ng magkasunod na triple para ibigay sa Ateneo ang 65-62 abante sa huling 1:19 minuto ng laro mula sa 59-62 paghahabol sa NU.

Ang panelyong tres si Alas ang lalo pang naglayo sa Blue Eagles sa 68-62 sa nalalabing 35.8 segundo para kumpletuhin ang pagwalis sa Bulldogs ngayong season.

Tumapos si Bahay na may 16 points.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with