^

PM Sports

Beda umeskapo sa JRU Elech Dawa

Pang-masa

MANILA, Philippines — Buo ang loob na nag­laro ang defending champion San Beda University sa dikdikang laban upang itakas ang mahirap na 75-71 panalo laban sa Jose Rizal University kagabi sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa San Juan Arena kahapon.

Sinandalan ng Red L­ions ang mainit na opensa ni Aldous Torculas matapos magtala ng 15 points, walong rebounds limang assists at tatlong blocks at ilista ang 7-3 karta sa Group A ng team standings.

Nagparamdam ng la­kas ang Heavy Bom­bers sa simula ng labanan kaya nahawakan nila ang six-point lead, 21-15 sa pagtatapos ng first canto.

Hindi naman hinayaan ng Red Lions na makalayo ang kanilang katunggali, inilabas ang bangis sa second period upang agawin ang unahan, 41-36 sa halftime.

Lalong tumapang sa opensa ang San Beda sa third quarter kaya lumobo ang kanilang lamang sa 21 puntos, 67-46 papasok ng fourth period.

Napalaban pa ng todo ang Beda sa payoff period dahil nakatabla pa ang Chiefs sa 71-71 matapos ang pamatay na tres ni Sean Salvador may 1:27 minuto na lang sa orasan.

Sa unang laro, nalusatan ng Letran ang nag­liliyab na laro ng San Sebastian College matapos silang akbayan ni Jimboy Estrada sa 91-89, panalo.

Sinalpak ni Estrada ang pinakamahalagang puntos ng laro upang tulu­ngan ang Knights na maiangat ang kanilang kartada sa 7-3 record at upuan ang solo top spot sa Group B ng team standings. 

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with