^

Pang Movies

Ellen at Sarah, may balak  mag-ingay sa podcast

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Philstar.com
Ellen at Sarah, may balak  mag-ingay sa podcast
Ellen Adarna at Sarah Lahbati

May na-trigger nga sa comment ng isang fan ni Sarah Lahbati sa pagyayaya ni Ellen Adarna na gumawa sila ni Sarah ng podcast. Sabi kasi ni Ellen, “Should we have a podcast @sarahlahbati?!!!

Sagot ni Sarah, “I like my peace” at sinagot uli ni Ellen ng “@sarah­lahbati no, sarah i want explicit version. Ahahahha the version I know and love hahahaha.”

Isa sa fan ni Sara ang nag-comment ng “Tapos may matritrigger na naman” na sinagot ni Ellen ng “Ang ma trigger panget. Maganda naman tayo lahat eh ahahhaa.”

May mga nag-react nga at inakusahan ang kampo ni Sarah na hindi matahimik. “Jusko po tigilan nio yan ayaw nio maging masaya yong bawat isa. Peace?” Dito na nagsimula ang sagutan ng mga fans ni Sarah at supporters ng kabilang kampo na dahil hindi binanggit ang pangalan, hindi na rin natin binanggit.

Sa reaction ng mga netizens, pabor sila na magkaroon ng podcast sina Sarah at Ellen. Simulan na raw agad nila, lalo na at sabi ni Ellen, “Front row seats” na ang dating sa nakabasa, controversial issues, at controversial celebrities ang kanilang pag-uusapan.

Alden, namili sa closet party ni Heart

Nagpunta si Alden Richard sa Heart & Friends Closet Party ni Heart Evangelista at sa video na ­aming napanood, personal na ikasikaso ni Heart si Alden. Sinamahan niya itong mag-ikot sa venue to check items on sale.

Sa isa pang video, makikitang si Heart din ang personal na nag-check ng travelling bag na napili at binili ni Alden. Branded ang bag na for sure, mahal at saka ibinigay sa kasama ni Alden. Sa rami ng pre-loved stuff ni Heart na for sale, tiyak, hindi lang bag ang nabili ni Alden.

First time in public na makita sina Heart at Alden na may interaction. Dati, sa online lang ang interaction nila.

May mga request sa GMA na pagsamahin sa isang project sina Heart at Alden at naalala pa nga ng mga fans ni Alden ang nabanggit nito minsan na gusto niyang makatrabaho ang fashion icon.

Kris, aapir sa fast talk

Ikinagulat ng mga nakabasa sa announcement ng GMA Network na “The King and Queen are Back” at may photo nina Kris Aquino at Boy Abunda. Dahil walang ibang clue na ibinigay, kanya-kanyang react ang mga fans.

Pero, mas marami ang naniniwala na ang nasabing announcement ay ang paggi-guest ni Kris sa show ni Boy sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda. Kung kailan ito mangyayari, abangan at hintayin na lang natin.

ELLEN ADARNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with