^

PM Sports

Creamline, NXLED sumampa sa liderato

Russell Cadayona - Pang-masa
Creamline, NXLED sumampa sa liderato
Pinaluan ni Jema si Aiza Maizo-Pontillas Galanza ng Creamline ng Galeries Tower.
PVL photo

MANILA, Philippines — Pumalo si Tots Carlos ng 13 points, habang may 12 markers si Jema Galanza para tulungan ang Creamline sa 27-29, 25-18, 25-19, 25-18 pagligpit sa Galeries Tower sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Ang ikalawang sunod na panalo ng Cool Sma­shers ang nagtabla sa kanila sa Choco Mucho Flying Titans at Nxled Chameleons sa liderato sa magkakatulad na 2-0 record.

“I think we had a slow start, even in the second and third set. Iyon ang mga kinorek ni coach (Sherwin Meneses),” wika ni Carlos.

Laglag ang Highrisers sa pangalawang dikit na kamalasan kasama ang naunang straight-set loss sa Farm Fresh Foxies.

Bumangon ang Creamline mula sa 27-29 kabiguan sa first set para kunin ang second at third frames at iwanan ang Ga­leries Tower sa 2-1.

Sa fourth set ay hinataw ng Cool Smashers ang 21-16 bentahe galing sa atake ni Galanza.

Ang palo ni Alyssa Valdez ang tumapos sa Highrisers.

Nagdagdag si Valdez ng 10 points at tumipa si setter Jia De Guzman ng 16 excellent sets para sa Creamline

Nasayang ang kinamadang game-high 21 points ni Erika Deloria sa panig ng Galeries Tower.

Sa unang laro, pumalo si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 20 points mula sa 14 attacks at anim na blocks sa 25-19, 25-17, 23-25, 20-25, 15-12 pag-eskapo ng Nxled kontra sa Farm Fresh.

Nagdagdag si Myla Pablo ng 17 markers para sa 2-0 baraha ng Chameleons na nakahugot kina Jackie Acuña at Fil-Am MJ Phillips ng 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.

Tumipa si setter Gel Cayuna ng 31 excellent sets para sa tropa ni Italian coach Ettore Guidetti.

Bigo ang Foxies na makuha ang back-to-back wins para sa 1-1 marka.

Matapos kunin ng N­xled ang 2-0 bentahe ay inagaw ng Farm Fresh ang third at fourth sets para makatabla at makapu­wersa ng fifth frame kung saan bumida si Pablo.

Pinamunuan ni Ces Molina ang Foxies sa kanyang 16 points kasunod ang 12 markers ni Mylene Paat-Rezanova, habang nalimitahan si Trisha Tubu sa siyam na puntos.

PVL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with