Jillian, tinapos na ang mental break

Nagbabalik mula sa kanyang ilang buwang mental health break si Jillian Ward para sa kanyang bagong series at upcoming concert.
Malaking tulong daw sa Kapuso actress ang nagkaroon siya ng mahabang pahinga para mabigyan niya ang kanyang sarili ng quality “me time.”
Marami raw pressure at stress ang pagiging isang celebrity kaya hindi maiwasan na may nagkakaroon ng burnout. Kaya tama lang daw na bigyan ang sarili ng ilang buwang break sa trabaho para makapag-recharge.
Kaugnay naman ng kanyang pagbabalik sa paggawa ng teleserye, muling makakatrabaho ni Jillian si Marian Rivera sa prime video original na Behind Closed Doors. Huli silang nagkatrabaho ay sa Super Ma’am noong 2017.
Huling teleserye ni Jillian ay Never Say Die na nagtapos noong nakaraang May 2026.
Tuloy rin naman ang unang concert ni Jillian sa Dec. 8. Noong nakaraang July pa dapat ito, pero na-postpone for “unforeseen circumstances.”
Angel, ‘di bet ang matanda
Matapang na sinagot ni Kapuso actress Angel Guardian ang tanong sa programang Chika Cart sa GTV noong Oct. 12 tungkol sa pagiging type umano siya ng older men.
Tanong: “May mga nakakapansin na madalas ka raw ma-type-an ng mga older men, totoo ba? At mayroon na bang older man na nag-aya sa iyo ng date?”
Sagot ni Angel: “Siyempre meron. Siyempre sa industry natin, meron talaga.”
Inamin niyang may ilang mas matatandang lalaki na nagtangkang mag-aya sa kanya ng date, at dumadaan pa sa kanyang mga kaibigan. Pero agad niya itong tinatanggihan dahil hindi siya komportable.
Giit niya, mas gusto niya ang ka-age lang niya o hindi nalalayo ang edad.
Hilary, buntis na ulit
Sa edad na 52, nabuntis sa pangalawang pagkakataon ang two-time Oscar best actress na si Hilary Swank.
Sa Instagram pinost ang isang cute na video kung saan makikitang nagsasayaw sa dilim ang buong pamilya, kabilang ang three-year-old twins na sina Aya at Ohm, na may glow sticks sa katawan kasama ang mister ng aktres na si Philip Schneider.
Caption niya: “A lot of people have been asking what project I’m doing next, this one releases in December.”
Noong 2024, ibinahagi ni Hilary sa Extra ang tungkol sa pagiging ina na naging rason kung bakit matagal siyang napahinga sa pag-arte.
Unang nagbida si Swank sa The Next Karate Kid in 1994 at naging semi-cast member ng series na Beverly Hills, 90210 in 1997.
Nanalo ng Oscar si Hilary para sa mga pelikulang Boys Don’t Cry (1999) and Milllion Dollar Baby (2004). Nagbida rin siya sa New Year’s Eve, P.S. I Love You, Freedom Writers, Insomnia, Conviction and Ordinary Angels.
- Latest






















