^

PM Sports

PSC tutulungan mga NSAs sa programa

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tutulungan ng Philip­pine Sports Commission (PSC) ang mga National Sports Associations (NSAs) na walang naiuwing medalya sa nakalipas na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Humakot ang Team Phi­lippines ng kabuuang apat na gold, siyam na silver at 16 bronze medals para tumapos sa No. 17 spot sa hanay ng 46 bansa sa nasabing quadrennial event.

Ang apat na ginto ay nag­mula kina gymnast Carlos Edriel Yulo (men’s floor exercise at vault), pole vaulter EJ Obiena at Jeus Yape (mixed virtual taekwondo).

“For PSC to help them, para po makatulong kami sa mga sports na hindi nag­medalya kailangan big­yan nila kami ng assess­ment kung paano kami makaka­tulong,” ani PSC chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio sa PSC Hour program sa Sports Radio 918.

Apat na gintong me­dalya rin ang nakolekta ng mga national athletes sa 2018 (Jakarta, Indonesia) at sa 2022 (Hangzhou, Chi­na) Asiad.

“Hindi naman kami hu­mihingi ng report para ma­nita, kami po ay hihingi ng report, isa-submit po nila sa mga Commissio­ners para mapag-aralan how we can improve and de­velop their sport,” dagdag nito.

Isa ang archery associa­tion sa natulungan ng PSC sa pagbibigay ng dalawang Korean Olympic coaches na nagresulta sa tansong me­dalya ni national archer Amaya Cojuangco.

“Tignan n’yo po iyong archery. Matagal na nila akong kinausap kung paano nila ide-develop iyong sport. No.1 action nila is Ko­rean Olympic coaches. Ayan na po nagbunga na po,” sabi ni Gregorio sa ar­chery association.

“Very important po iyong pakikipanayam, iyong teamwork po namin kasi kung hindi po na­lalaman ng PSC iyong prog­ram nila, hindi po tayo makakatulong,” wika ng PSC chief.

PSC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with