^

PSN Palaro

Lady Altas umeskapo sa Lady Red Spikers sa SSL

Pilipino Star Ngayon
Lady Altas umeskapo sa Lady Red Spikers sa SSL
Naipuwersa ni Jemalyn Menor ng Perpetual Lady Altas ang kanyang hataw laban kay Jermaine Jo niega ng San Beda Lady Red Spikers
SSL Photo

MANILA, Philippines — Pinatumba ng Universi­ty of Perpetual Help System DALTA ang San Beda University, 28-30, 25-19, 23-25, 25-17, 16-14, para su­mampa sa win column ng 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup ka­hapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Nagtuwang sina Jema­lyn Menor at Cyrille Alme­niana para ibangon ang Lady Altas mula sa ope­ning-day loss.

Tumabla ang Perpetual sa Letran sa second hanggang third spot sa magka­tulad nilang 1-1 baraha sa Pool A ng torneong itinata­gu­yod ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R&B Milk Tea.

“Talagang nagtulu­ngan kami sa loob ng court, pi­naghirapan namin talaga ito para maipanalo ‘yung game namin ngayong araw,” ani Menor na puma­lo ng 25 points mula sa 23 kills, isang service ace at isang kill block.

Binura ng Lady Red Spi­kers ang two-point lead ng Lady Altas para tumabla sa 13-13 sa fifth set.

Ang puntos ni Almenia­na mula sa isang combination play ang naglagay sa Per­petual sa matchpoint, 14-13.

Subalit muling idinikit ni An­gel Habacon ang San Be­da sa 14-14.

Ngunit ang back-to-back hits ni Almeniana ang tuluyan nang sumelyo sa pa­nalo ng Lady Altas sa Lady Red Spikers.

Tumapos si Almeniana na may 14 points para sa Per­petual, habang may 10 markers si Edel Valdez kasunod ang walong puntos ni Rae Palacio.

Pinalakas ng Lady Altas ang tsansang makasama ang pool leader at five-peat-seeking National University Lady Bulldogs sa susunod na round.

Nakakuha na ang NU ng isang playoffs spot sa kanilang 3-0 record.

DALTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with