^

Pang Movies

Gelli, dinubsmash ang sagot kay Dennis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gelli, dinubsmash ang sagot kay Dennis
Gelli

Hindi na nagsalita si Gelli de Belen sa isyu nila ni Dennis Trillo at kahit kinulit siya ng media sa premiere night ng Mantsa, hindi pa rin siya nagsalita.

Sa TikTok, mapapanood si Gelli na nagda-dubsmash o nagli-lip sync ng sikat na viral audio trend patungkol sa mga judgmental. May linya itong “Tahimik lang ako pero ang dami niyong sinasabi. Akala mo kilala niyo buong pagkatao ko.”

Sabi ng netizens, sagot daw ito ni Gelli sa mga isyu sa kanya at mas malinis nga naman ang ganitong paraan kesa magsalita siya at magpa-interview. At least, wala nga namang nasabi ang mga tsismosa na gaya natin.

David, napansin ang relos ni Alden

Sa cast reveal ng Fight For My Way, binanggit ni David Licauco ang mga paghahanda niya para magampanan ng mahusay ang role ni Hanz. Kinilala raw niya ang kanyang karakter, nag-workshop kasama ang ibang cast at pinanood ang original Korean series.

Sa kanyang Instagram story, pinost nito habang pinapanood niya ang original series para nga mas makilala pa ang karakter na gagampanan at malaman na rin ang story ng series.

Isa pang ginawa ni David ay ang kumuha ng acting workshop nang solo kay Ana Feleo, isang acting mentor hindi lang ng Sparkle stars, pati na rin ng ibang talents.

Any day now, magsisimula na ang taping ng Fight For My Way dahil sa Nov. 20, 2026 na ang streaming ng series sa Viva One. Kapareha niya rito si Ashtine Olviga.

Speaking of David, nabasa ang comment niya sa post ni Alden Richards na patungo sa Las Vegas for a GMA Pinoy event. Makikita si Alden na may suot na expensive wristwatch.

Comment ni David, “Boss enjoy!!! Ano po yung watch nyo?” Ang fans na ni Alden ang sumagot, Rolex Day-Date raw ang suot ni Alden. Pero, hindi lang pala relos ang tinanong ni David, pati ang oras dahil iba ang oras na nasa relos ni Alden.

James, nag-follow ulit kay Nadine

Dahil sa balitang pina-follow uli ni James Reid ang ex na si Nadine Lustre sa Instagram, may request ang JaDine na sana magsama uli sa project ang former couple. Friends naman daw ang dalawa at walang masama kung gumawa uli sila ng project na dalawa.

Mas maganda raw kung pelikula ang gagawin nina Nadine at James, mas may dating at sure sila na maiintindihan ng karelasyon nila kung magkakaroon sila ng reunion project.

GELLI DE BELEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with