Kakaibang lihim ng katawan•
Nagiging alerto ka kapag ngumunguya ng chewing gum.
• Nakababawas ng depresyon ang pag-inom ng kape.
• Magkasing dumi lang ang ATM machine at public toilets.
• Nakakahaba ng buhay ang pagiging positibo ang pagtingin sa kanyang buhay.
• Ang pag-amoy sa mansanas ay nakatatanggal ng claustrophobia.
• Hindi mapa-flat ang iyong tiyan/bilbil sa sit-ups. Mas effective ang jogging.
• Ang 80 percent ng sakit ay nakukuha sa pamamagitan ng paghawak o paghipo sa iba’t ibang bagay. Base sa World Health Organization, mas epektibo ang paghuhugas ng kamay kaysa vaccine para makaligtas sa mga sakit.
• Ang pandinig natin ay humihina kapag nakararamdam ang ating katawan ng sobrang init lalo na kapag tag-init.
• Mga 25 percent ng mga lalaking Russians ay namamatay bago pa sumapit sa edad na mid-50s dahil sa kaiinom ng vodka.
• Base sa pag-aaral, mas mabilis mamuti ang buhok bago mag-30 years old ang isang taong malakas manigarilyo.
• Natuklasan ng mga dentista na ang masamang epekto ng softdrink sa ngipin ay kapareho ng epekto ng shabu/meth/cocaine sa ngipin ng mga adik.
• Sa loob ng 3 hanggang 5 taon na kakulangan sa tulog, ang ating utak ay lumiliit.
• Napaka-powerful ng meditation. Sa loob ng 8 weeks, nagbabago ang structure ng ating utak.
• Ang paglalakad ay mabuting exercise kagaya ng pagtakbo.
- Latest


















