Lee, Cornejo kailangang mag-apply ng parole – BuCor

Bago makalaya
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang na hindi agad makalalaya sina Cedric Lee at Deniece Cornejo kahit binago ng Court of Appeals (CA) ang kanilang hatol sa kasong pagkakakulong kay actor-host Vhong Navarro.
Ayon kay Catapang, kailangan munang mag-apply ng parole ang dalawa matapos maabot ang minimum na panahon ng kanilang pagkakakulong. Inatasan na rin ng CA ang pagpapalaya sa kanila matapos ibaba ang kanilang kaso mula serious illegal detention sa grave coercion.
Gayunman, sinabi ni Catapang na may isa pang grave coercion case laban kina Lee at Cornejo na hindi pa natatanggap ng BuCor ang Entry of Judgment. Sa kasong ito, umaabot sa tatlong taon at anim na buwan ang maximum na sentensiya.
Dahil dito, sinabi ni Catapang na maaaring umabot sa halos apat na taon ang kabuuang panahong kailangang ikonsidera sa kanilang mga kaso, bagama’t muling kakalkulahin pa ito ng BuCor.
Ipapasa ng BuCor sa Board of Pardons and Parole ang mga kaukulang dokumento upang matukoy kung kwalipikado sina Lee at Cornejo para sa parole matapos nilang maabot ang minimum na sentensiya.
Ipo-forward umano ang papeles ng dalawa sa Board of Pardon and Parole at kailangang dumaan sa tamang proseso.
Sina Lee, Cornejo, at iba pang akusado ay pinatawan ng sentensya ng Taguig court dahil sa inihaing kaso ng actor na si Vhong Navarro.
- Latest





















