^

PSN Palaro

Cardinals binulaga Red Lions

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong masasaklap na talo ang nalasap ng Mapua University pero napawi lahat dahil sinilo nila ang unang panalo kontra defending champion San Beda University, 55-54 sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil Centre kahapon.

Sinandalan ng Cardinals ang biglaang pagliyab ng opensa ni Jamal Diaz, wala ng isang minuto sa orasan kung saan ay naghabol sila ng limang puntos, 49-54.

Nagsalpak ng back-to-back treys si Diaz para agawin ng Intramuros-based squad ang lamang, 55-54 may 12.4 segundo na lamang sa fourth quarter.

Hindi na naka-iskor ang two-peat seeking, nagmintis sila sa three-point kaya natikman ng Red Lions ang pangalawang talo sa apat na laro.

“Bad start po ako eh sabi ni coach Chito (Victolero) naduduwag daw po ba ako? kaya take ko lang ‘yung chance,” sabi ni Diaz, “Sana magtuluy-tuloy ‘yung panalo ang sarap ng feeling na umangat muli ‘yung kumpiyansa namin.”

Nirehistro ni Best Player of the Game, Diaz ang walong puntos, limang rebounds at isang steal habang si Marc Cuenco ang namuno sa opensa para sa Mapua sa nirehistrong 19 points, apat na rebounds at isang assist.

May 1-3 karta ang Mapua sa Group A.

Unang talo ng Mapua sa Jose Rizal University, 64-65, sunod sa Lyceum, 87-88 at pangatlo sa College of Saint Benilde, 77-82.

Bumida sa puntusan para sa Red Lions si RC Calimag na may 18 markers, tatlong boards at dalawang steals.

Samantala, kinapitan ng Arellano University ang mainit na opensa ni T-Mc Ongotan upang akbayan ang koponan sa pahirapang panalo kontra Letran, 82-81 sa ikalawang laro.

Tumikada ng career-high 29 points, 12 rebounds at tig-tatlong assists at blocks si Ongotan upang tulungan ang Chiefs na ilista ang malinis na apat na panalo at upuan ang top spot ng team standings.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with