Pinoy chessers bronze sa Category B sa Olympiad
MANILA, Philippines — Pinisak ng team Philippines ang Panama, 3-1, sa 11th at final round upang sikwatin ang Category B bronze medal sa men’s division sa katataapos na 46th World Chess Olympiad na nilaro sa Silk Road International Exhibition Centre sa Samarkand, Uzbekistan, Linggo ng gabi.
Nagtala ng importanteng panalo sina International Master Paulo Bersamina at Grandmaster Darwin Laylo sa boards two at four, ayon sa pagkakasunod habang nakipaghatian ng puntos sina IMs Michael Concio Jr. sa board 1 at Jem Garcia drew sa board 3 sapat upang ikuwintas ang bronze.
Sa kabuuan, tumapos ang Filipinos sa 32nd place tangan ang 14 match points at third best finisher sa Category B, sa likuran ng gold at silver winners Vietnam at Mongolia.
Pangalawang sunod na medal ang naiuwi ng team Philippines sa nasabing biennial meet, una nang sikwatin ng women’s team ang Category B gold noong nakaraang edition na ginanap sa Budapest, Hungary, may dalawang taon na ang nakalipas.
Sinikap ng Filipinas na maduplikahan ang nahablot na gold medal sa nakaraang Budapest meet pero yumuko sila sa 20th-seeded England, 1.5-2.5 sa last round at lumanding sila sa 43rd spot na may 13 match points.
Tinulak ni WIM Shania Mae Mendoza ang nag-iisang panalo sa board four habang nakipaghatian ng puntos si WIM Ruelle Canino sa board two, lumuhod naman sina WGM Janelle Mae Frayna at WIM Jan Jodilyn Fronda sa boards one at three.
- Latest






















