^

Probinsiya

3 patay, 4 sugatan sa Batangas road mishaps

Arnell Ozaeta, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 patay, 4 sugatan sa Batangas road mishaps
Sa San Pascual, nasawi ang isang 54-anyos na pasahero at isang tricycle driver matapos bumangga ang isang modern jeepney o public utility vehicle (PUV) sa isang tricycle sa Barangay Palsahingin dakong alas-12:20 ng tanghali noong Sabado.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi habang apat ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa Batangas, ayon sa pulisya kahapon.

Sa San Pascual, nasawi ang isang 54-anyos na pasahero at isang tricycle driver matapos bumangga ang isang modern jeepney o public utility vehicle (PUV) sa isang tricycle sa Barangay Palsahingin dakong alas-12:20 ng tanghali noong Sabado.

Ayon sa pulisya, binangga ng modern jeep ang nakahintong tricycle na nagsasakay ng pasahero.

Agad na isinugod ang apat na sakay ng tricycle kabilang ang isang estudyante sa magkahiwalay na pagamutan sa San Pascual de Baylon Hospital at San Antonio Life Care Hospital pero idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isa sa mga pasahero na 54-anyos. Namatay naman ang tricycle driver habang nilalapatan ng lunas madaling-araw nitong Linggo.

Nagsampa na ng kasong kriminal ang mga awtoridad laban sa driver ng PUV kaugnay ng insidente.

Samantala, sa San Jose, nasawi rin ang isang 26-anyos na rider habang kritikal ang kanyang 18-anyos na angkas matapos bumangga ang kanilang sinasak­yang motorsiklo sa dalawang konkretong poste ng kuryente sa Barangay Taysan dakong alas-1:20 ng madaling-araw nitong Linggo.

Ayon sa pulisya, binabagtas ng motorsiklo ang isang kurbadang bahagi ng kalsada nang umano’y sumayad ito sa konkretong poste, dahilan upang mawalan ng kontrol ang motorsiklo at tuluyang bumangga sa isa pang poste.

Kapwa isinugod sa San Jose District Hospital ang dalawa sa motorsiklo pero idineklarang dead-on-arrival ang driver habang nanatiling kritikal ang backrider.

Ayon sa pulisya, kapwa lasing ang dalawang lalaki nang mangyari ang aksidente.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with