Huwag gawing content ang school shootings – solon

MANILA, Philippines — “Huwag gawing content sa social media ang mga karahasang may kinalaman sa pamamaril sa mga eskuwelahan”.
Ito ang apela ni House Committee on Higher and Technical Education Chairman at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre sa mga kinauukulang indibidwal kasunod ng serye ng mga schools shooting para pagkakitaan ng ilang indibidwal sa social media.
Ginawa ni Acidre ang panawagan nito matapos na mapuna na kalat na kalat sa social media ang insidente ng pamamaril ng isang 16-anyos na high school student sa mga kapwa nito estudyante na ikinasawi ng 3 estudyante kabilang ang shooter habang pito pa ang nasugatan sa Banga National High School (BNHS) sa South Cotabato, kamakailan.
Napuna ng solon na kada may mangyayaring karahasan sa mga eskuwelahan ay madalas itong ipinakakalat sa social media na dinaragdagan pa ng mga espekulasyon o maling mga impormasyon sa umano’y motibo ng krimen.
“Huwag nating gawing content ang kanilang pinagdaraanan. Behind every photograph and every post are real children and families whose suffering deserves compassion and respect”, punto ni Acidre sa mga kumakalat na videos at larawan ng nangyaring pamamaril sa eskuwelahan.
- Latest


















