^

PSN Palaro

Letran ika-2 biktima ang Baste

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Tinuhog ng Colegio de San Juan de Letran ang ikalawang sunod na panalo matapos ang 99-62 pagmasaker sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Bumandera si Denzil Sison-Walker para sa 2-0 record ng Knights sa kanyang 25 points.

Nagdagdag si Chad Gammad ng 19 markers para sa Intramuros-based team na nagtala ng 23 assists.

May 10 players pang umiskor ng double di­gits para sa Season 101 runner-up.

Bagsak ang Stags ni dating PBA guard Rodney Santos sa 0-2 marka.

Sa first period lamang nakadikit ang San Sebastian, 15-24, bago tuluyang kumawala ang Letran sa halftime bitbit ang 49-27 kalamangan.

Mula rito ay hindi na pinalapit ng Knights ang Stags sa second half.

Samantala, itinigil ng NCAA ang upakan ng nagdedepensang San Beda Red Lions at Jose Rizal Heavy Bombers sa first quarter dahil sa basa sa sahig mula sa tulo sa bubong ng Playtime FilOil Centre.

Hawak ng Red Lions ang 9-3 abante kontra sa Heavy Bombers nang magpasiya ang mga opisya­les na ihinto ang nasabing laro sa 5:25 minuto ng first period.

Itatakda ang paniba­gong petsa para sa banggaan ng Sa Beda at Jose Rizal.

COLEGIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with