^

Police Metro

3 mananahi, utas sa carbon monoxide

Joy Cantos - Pang-masa
3 mananahi, utas sa carbon monoxide
Kabilang sa mga biktima ay dalawang lalaki at isang babae na pawang mga mananahi na muna tinukoy ang pagkaka­kilanlan na natagpuang nakahandusay sa nasabing bodega sa Zone 6, Brgy. Campetic ng nasabing bayan.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong mananahi nang makalanghap ng nakalalasong monoxide sa isang bodega sa Brgy. Campetic, Palo, Leyte  nitong Miyerkules.

Kabilang sa mga biktima ay dalawang lalaki at isang babae na pawang mga mananahi na muna tinukoy ang pagkaka­kilanlan na natagpuang nakahandusay sa nasabing bodega sa Zone 6, Brgy. Campetic ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, ang generator na ginagamit sa nasabing bodega ay nagpro-prodyus ng carbon monoxide na sarado umano at walang ibang bentilasyon na hinihina­lang siyang nakalason sa mga biktima.

Nadatnan na lamang ng kanilang mga kasamahan ang mga biktima na hindi na gumagalaw at naninigas na ang mga katawan na pawang wala ng buhay.

Sinasabing madalas mag-brownout sa lugar kaya gumagamit ng ge­nerator ang may-ari ng patahian.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with