Cone optimistiko sa laban ng Gilas sa Asiad
MANILA, Philippines — Dalawang beses natalo ang Gilas Pilipinas sa tune-up games nito laban sa South Korea na bahagi ng paghahanda nito para sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.
Ngunit para kay Gilas Pilipinas head coach wala pang dapat ipangamba dahil ang tunay na laban ay nasa Asian Games mismo.
Magandang pagkakataon ang mga pagkatalong ito ng Gilas dahil nalaman agad ni Cone ang mga kailangan pang plantsahin ng kanyang tropa.
Kaya naman binabalangkas na ni Cone ang magiging game plan nito bago sumalang sa Asiad.
May ilang araw pa ito para masigurong preparadong preparado na ang Pinoy cagers sa title defense nito.
“We haven’t figured out how to best use the skills of our guys… yet. But me and our staff will be better and we’ll be better in helping our players prepare for what’s ahead. No need to panic,” ani Cone.
Ibang Gilas ang ipaparada ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Asian Games.
Hindi ito ang parehong team na sumabak sa katatapos na fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na nanalo ng dalawang beses kontra sa Jordan at Iran sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Mas matinding ensayo ang pagdaraanan ng Gilas sa huling mga araw ng traning camp nito.
Magsisimula ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa Biyernes kung saan haharapin nito ang Bahrain.
Kasunod nito ang Kazakhstan sa Sabado at ang China sa Lunes.
- Latest



















