^

Pang Movies

DOT, tutulong sa entertainment sector

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
DOT, tutulong sa entertainment sector
(L-R) Chief Legal and Administrative Officer Atty. Walter Mactal, Senior Vice President for Marketing Michelle Suarez, Newport World Resorts President at CEO Nilo Thaddeus Rodriguez, Sec. Dita Angara-Mathay, Assistant Secretary for Branding and Marketing Communications Armand Lorenze Sapitan at Head Executive Assistant Atty. Francis Carlos Crucena Caguio
STAR / File

Pormal na nagkasundo ang Department of Tourism (DOT) at Newport World Resorts na magtulungan upang palakasin ang entertainment sector bilang isa sa mga haligi ng turismo sa Pilipinas.

Ang Memorandum of Understanding, na nilagdaan noong Sept. 1, ay naglalagay sa live performances, cultural productions, culinary experiences, and other leisure attractions, na may iisang layuning hikayatin ang mas mahahabang pananatili, pataasin ang gastusin ng mga bibisita sa bansa, at suportahan ang pagbabalik sa bansa ng mga turista.

“Entertainment has become one of the strongest reasons travelers choose to visit and return to a destination, and this partnership allows us to bring that experience to more Filipinos and international visitors alike,” ayon kay DOT Secretary Maria Bernardita Angara-Mathay.

“Through this collaboration, we hope to showcase Filipino talent and creativity as part of what makes the Philippines worth discovering.

“This is also an opportunity to support our creative economy, from performers to production teams, while integrating these experiences into our broader campaigns to grow tourism nationwide,” dagdag niya

Sa ilalim ng kasunduan, isasama ng DOT ang mga inaalok ng Newport World Resorts sa mga kampanya nitong *Love the Philippines* at *Discover More to Love*, susuportahan ang promo ng original Filipino productions, at ikokonekta ang Newport World Resorts sa mga tourism stakeholder sa Pilipinas at sa mga market sa ibang bansa.

Ang Newport World Resorts naman ay bubuo ng mga integrated stay, dine and watch packages na idinisenyo batay sa experiential travel, bubuo ng mga visitor itinerary na nakasentro sa Metro Manila, at susuriin ang mga promotional rate at alok ng tiket na gagawing bookable at ready-to-enjoy experiences for travelers.

“On behalf of Newport World Resorts, we thank the Department of Tourism for this partnership and for recognizing entertainment as a meaningful pillar of Philippine tourism,” pahayag ni Newport World Resorts President and CEO Nilo Thaddeus Rodriguez.

Dagdag pa nito: “Guided by our Executive Chairman Kevin L. Tan’s commitment to nation-building, we have always believed that tourism becomes stronger when destinations offer more than access and accommodation. They must offer experiences that give people a deeper reason to visit, stay longer, return, and ultimately, discover more to love about the Philippines.”

Ang live entertainment sa ilalim ng partnership na ito ay pamamahalaan ng Full House Theater Company (FHTC)—ang production arm ng Newport World Resorts—na ang pinakabagong produksyon, ang Bongga Ka, ‘Day! The Annie Batungbakal Musical na magbubukas sa Sept. 18, 2026 sa Newport Performing Arts Theater.

Ang FHTC ay magsisilbi ring sangay sa produks­yon ng Westside Resort—na magbubukas sa Entertainment City ngayong taon at magdaragdag ng apat na teatro.

Parehong nasa ilalim ng Travellers Group ang NWR at Westside Resort; pinalalawak ng grupo ang presensya nito sa larangan ng entertainment na hakbang upang itampok ang Pilipinas bilang ‘Broadway of Asia.’

Pinatatatag din ng NWR ang vision na ito sa pamamagitan ng Original Pilipino Performing Arts Foundation, na sumusuporta sa edukasyon ng mga nangangarap na maging Filipino performer, at ng Aca­demy for Leisure and Tourism, na humuhubog sa mga professional para sa industriya ng hospitality at turismo.

Anyway, discover more to love about an all-original Filipino production with a special discount of 15% off on Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical tickets through TicketWorld using promo code DOTXBKD.

Vertical series, mas malakas na

Iba’t ibang kuwento ng pag-ibig ang hatid ng BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki at Nate bilang leading men sa microdrama series na Vertical On Demand, na napapanood sa BGYO Official YouTube channel.

Hango ang vertical drama sa mga kanta ng kanilang latest EP na On Demand na umani na ng 2.5 million streams sa Spotify. Binibigyang-buhay nito ang iba’t ibang kwento tungkol sa pag-ibig, dating, relasyon at mga kilig at pagsubok na kaakibat nito.

Sa unang episode na Life’s Too Short, na pinagbidahan nina Akira, JL at Reign Parani. Isang binatang nag-iipon ng lakas ng loob si Jules (Akira) para aminin ang kanyang nararamdaman kay Diane (Reign). Sa tulong ng best friend niyang si Red (JL), naghanda siya ng surprise date na maaaring maging daan para tuluyang maipagtapat ang kanyang damdamin.

Kwelang chemistry naman ang hatid nina JL at Joy Barcoma sa ikalawang episode na Mean Girl. Hindi malaman ni Brian (JL) kung paano mapapasaya ang girlfriend niyang si Trish (Joy) matapos nitong hindi magustuhan ang bawat dating spot na kanyang iminungkahi, na nauwi sa nakakaaliw at sweet nilang pagtatalo bilang magkasintahan.

Mas emosyonal na kuwento naman ang hatid nina Gelo at Alexa Ilacad sa ikatlong episode na Raindrop. Ipinagdiriwang nina James (Gelo) at Kai (Alexa) ang kanilang anibersaryo habang binabalikan ang masasayang alaala ng kanilang relasyon. Ngunit sa gitna ng kanilang date, unti-unting lumalabas ang tensyon na ma­tagal nang namamagitan sa kanila.

Samantala, nagtagisan sina Mikki at Nate sa latest episode na Trono, kung saan pareho silang excited na naghihintay sa kanilang date kasama si Kolette Madelo.

Bago inilunsad ang serye, umikot ang BGYO sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa kanilang mall tour kung saan pinasaya nila ang ACEs sa SM City Telabastagan, SM City Novaliches, SM City Sto. Tomas, SM City Baguio, SM Southmall at SM Lanang.

Sa totoo lang, parang vertical na ang future ng series.

Ang bilis na ng attention span ng mga manonood ngayon – ang haba ng oras na kayang mag-concentrate ng isang tao sa iisang gawain o acti­vity nang hindi naaabala o nawawala ang pokus.

Hindi katulad noon na kahit ang haba ng commercial break, hindi bumibitiw ang manonood. Ngayon ‘pag may commercial, hindi na nila binabalikan ang palabas.

Kaya iba na rin ang placement ng mga produkto ngayon, nakasingit na sa mga eksena ng mga bida.

Anyway, hintayin natin dahil tiyak na may magaganap pang mga pagbabago sa pagpasok diumano ng ilang investor sa vertical series.

DOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with