^

Bansa

VP Sara ipinaaaresto ng korte!

Mer Layson, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
VP Sara ipinaaaresto ng korte!
Mismong ang abogado ni VP Sara na si Atty. Paul Lawrence Lim ang nagkumpirma kahapon sa media hinggil sa pagpapaaresto ng hukuman sa bise presidente.
Vice President Sara Duterte via Facebook

Sa kasong grave threats

MANILA, Philippines — Inisyuhan na ng Que­zon City Regional Trial Court (RTC) ng warrant of arrest si Vice President Sara Duterte, kaugnay ng kasong grave threats na kinakaharap nito matapos na umano’y pagbantaan ang buhay nina Pang. Ferdinand Marcos Jr., kanyang may bahay na si First Lady Liza Marcos, at pinsang si dating House Speaker Martin Romualdez.

Mismong ang abogado ni VP Sara na si Atty. Paul Lawrence Lim ang nagkumpirma kahapon sa media hinggil sa pagpapaaresto ng hukuman sa bise presidente.

Kasabay nito, tiniyak naman ng abogado na walang intensiyon si VP Sara na takasan ang batas.

Siniguro rin nila na gagawin ang lahat ng l­egal na remedyo kaugnay ng naturang kaso kabilang na ang paglalagak ng piyansa.

“Today, the Quezon City RTC has issued a warrant of arrest against the Vice President. Regardless of the question on jurisdiction, she has no intention of evading the law and will continue to exercise all her legal remedies,” pahayag pa ng abogado.

Matatandaang sinampahan ng tatlong bilang ng kasong grave threats si VP Sara matapos sabihin sa isang online press conference na may kinausap na siyang tao na papatay kina Pang. Marcos, sakaling may mangyari sa kanya. Nili­naw pa niya na hindi biro ang kanyang ­sinabi… ‘no joke, no joke.’

Ang grave threat ay isang bailable offense.

Samantala, sinabi ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Raphael Martinez na nagtakda ang hukuman ng piyansang P120,000 para sa bawat bilang ng kasong grave threats na kinakaharap ng Bise Presidente.

Ibinasura rin aniya ng Quezon City RTC Branch 98 ang apela ng kampo ni VP Sara na ipagpaliban muna o bawiin ang anumang warrant laban sa kanya.

Inaasahan namang kaagad na maglalagak ng piyansa si VP Sara sa hukuman para makaiwas sa pag-aresto.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with